Within the Walls of Intramuros
By: Donna Theresa V. Dela Cruz
Manila, Philippines
September 28, 2016
Inang bayan,
Naranasan ko ang hirap, sakit na ginawa sa ating kababayan
Tahan na, wika ng isang ina
Respetuhin na lamang natin sila.
Ayusin na lamang natin ang kanilang sinira
Mararanasan rin nila.
Umasa kang may liwanag pa tayong makikita
Rito, sa lugar ng Intramuros matatapos, mapapaos
Oras na. Umasa ka.
Sa isip, sa salita. Umasa ka. May pag-asa pa.
Ang Intramuros ay kinilala bilang isang makasaysayang lugar at pinakalumatandang distrito sa Maynila sapagkat ang lugar na ito unang itinayo ang kauna-unahang siyudad sa Luzon at ito ang orihinal na lungsod ng Maynila at ng Pamahalaan noon gang Pilipinas ay nasakop noong panahon ng Kastila.
Sa Intamuros matatagpuan ang makasaysayang simbahan gaya ng San Agustin Church at Manila Cathedral; at mga lugar gaya ng Fort Santiago, Cuartel de Santa Lucia, Plaza de Armas at ang Rizal Monument.
Binalikan nating dalawa
Mga alaala ng kahapong kay saya.
Kasama kita.
Patungo sa lugar na may kahulugan ang salitang tayo, pa.
Napakaganda.
Ngunit, ito'y isang munting alaala na lamang pala.
Hindi ko maipaliwanag
Pinagkaiba ng dilim at liwanag
Sa dilim ng aking naaaninag
May liwanag pa kayang masisinag? — in Intramuros, Manila.
Aking nasaksihan,
Ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata.
Mahal, wag kang iiyak
Baka ako'y iyong mapaniwala (Rajah Sulayman Theater)
Harap-harapan kong ipinakita
Pagmamahal sa aking bayan
Ngunit, patalikod akong ginantihan ng mga puta nang pamahalaan.
Ina, ika'y huwag mabahala,
Ako'y handang mamatay para sa ating bayan.
"Ramdam ko ang bawat hakbang patungo sa lugar kung saan tayo maghihiwalay"
Walang kalaban-laban
Ako lang ang sumuhal
Para sa inang bayan,
Ako'y magpapakahangal
Ngunit, ina ako'y iyong patawarin
Sapagkat, ako'y na huli na