Ilaw ng Tahanan
By: Donna Theresa V. Dela Cruz
Photos by: Donna Dela Cruz & Cherrylyn Ilumin
Manila, Philippines
October 3, 2016
Disclaimer: The photos displayed below were Finalist for National Commission for Culture and Arts 2015.
Ikaw ang nagsisilbing ilaw sa dilim na bumabalot ng aking nakaraan
Ikaw ang nagsisilbing tahanan sa mundo kong wala ng ibang nakita kundi kasakiman.
Ikaw, ikaw…
Ang inang hindi nagsasawang magmahal.
Ang inang walang ibang hinangad kundi ang mahalin ka ng iba.
Ang inang nagturo sayo kung paano magmahal.
Ma, paano masaktan?
paano mang-iwan?
Iniwan ako, ma.
Tinuruan mo ako magmahal, pero di mo tinuro sa akin na ang taong nagmamahal, nang iiwan.
Iniwan ako, ma.
Iniwan ako sa mundong madlim na walang ibang nakita kundi kasakiman.
Iniwan ako at narito pa rin ako niyayakap ang sarili kong katangahan na magpahanggang sa ngayon narito pa rin ako sa nakaraan.
pero natagpuan mo ako
natagpuan mo ako sa pagitan ng dilim nang aking nakaraan at sa mundong puro puta ang naninirahan.
natagpuan mo ako.
Ma, naiintindihan ko na.
Ang tinuro mong pagmamahal ay ang pagmamahal ng isang ina.
Hindi nang-iiwan.